tama bang aminin na nating may taning?
block profile
sino nga ba ang mga hangal?
an attempt to put into words just what it has all been about, the past four years.
albums
mga litrato
sana ay mahalin nyo rin ako.
send some luvin' my way - email email email baby.
because i *heart* you to bits. =)
block profile
sabi ko nga - 12.26.2004 @ 3.48pm
  circa july 2001: sabi ng mga baliw, tawagin natin ang ating mga sariling, "Yeba".

and so it began - sa mga comm 1 classes ni ma'am ong na ubod ng seksi, patuloy sa nat sci 1 sessions ni abastillas na di ko na nakalimutan ever (ang kabayo niyang mukhang palaka, may iba pa bang nakakaalala nito?) patungo sa van ni alloy para sa math, na isang pseudo-paghahasa sa military strategies (hehe). bata pa tayo noon, totoo - mga batang gago. *smirk*

at minangha natin si santillan sa ating mga kagila-gilalas na kultural na pagtatanghal para sa kas 2 - si val na christina aguilera, si therese na mordecai, ang fight scene nila ni melay, mga black lights at kahalayan sa dilim ng grupo ni alloy, si confucius nina ms fong (na hindi na talaga natin nakuha ang unang pangalan), ang pangako-sa-yo mode nina venus at lawrence, mga seiko-seiko wallet na intermissions ni teejei at julie at ang mga baliw na shaman na pinangungunahan ni tetet - sino bang mag-aakalang freshie ang mga ito, at hindi solid gold dancers?

dito tayo nagsimula. (sa carillon, hindi bilang solid gold dancers.) mga practices kina wenz at pag-aagawan sa masarap na ensaymadang Fortune. mga practices sa carillon, hindi pa nahihiya sa mga nakasakay ng philcoa, pantranco at sm north na jeep. pagbibilang ng butiki, paggawa ng mga kwento't dialogue. pagsayaw, pagsayaw, pagsayaw (at, sa case ni jaycee, paghuhubad para sa mga treasure hunters.)

dito tayo nagsimula. (sa paglalasing sa umaga ng field trip.)

dito tayo nagsimula. (sa pagco-cross dress ni jobert bilang Maharlika, sa pagganap ko bilang isang baliw na cross-dresser na muslim-lover ni jobert as maharlika, sa fight scene namin ni julie bilang Carlos Miguel)

dito tayo nagsimula. (sa kawengwangan sa journ 100, sa pagkaligaw papunta ng Securities and Exchange Commission, sa pagkaloka sa SONA sa journ 101, sa pagkaloka sa Senate/House of Reps/City Hall/DILG/Police Stations sa journ 102, sa pagkaloka kay Chua, kay Arao, kay Teodoro, kay Encanto, kay Guioguio, kay Rara, kay Silva, kay Khan, kay Lambino...)

dito tayo nagsimula. (sa mga tanghali sa ilalim ng skywalk, sa mga hapon sa may fishbolan at isawan kina mang larry at sa ilang, sa mga gabi sa batibot, sa sunken, sa music.)

dito tayo nagsimula. (UP Fair at Destino at Oblation Run at Lantern Parade, at Tagaytay, at Puerto Galera, at 15 Winston St. *sino pang nakakaalala?*, at Punchline...)

dito tayo nagsimula. (puro simula, para bang hindi matatapos.)

hindi nga. // kate