pagbabalik sa ParTyPLace, October 2002
by madelicious

hayy.. isang taon na mula noong una at huli kitang nakita. di ko malilimutan yon. mahirap atang malimot yung pagpapakilala mo sa sarili mo. ewan ko ba. di ko alam kung nagpapapogi ka noon o nagpapasikat dahil nalaman mong taga Manila ako at sa UP pa nag-aaral.

[as if naman ganun kahalaga yun e.]

Partyplace. October 2002. Nalimutan ko na kung anong date, basta sabado noon. dapat ginagawa ko yung newsletter ng pinsan ko, but no, ako ay tumakas ng bahay namin sa pampanga at nagpunta sa Partyplace. disco sa San Fernando. lokong bata ko talaga. tinakasan ang responsibilidad.

sinong mag-aakalang makaka dalawang pack ako ng menthol at mahigit pitong bote ng SMB lite nung gabing yon?

una, maingay ang disco. umaalingawngaw ang musika. nakakatuksong umindayog sa dance floor na may dala-dalang bote at yosi. ginawa ko naman. hay.. basta walang bantay na boylet o sikyo, ang landi ko talaga.

pangalawa.... ang daming sarap anuhin!

[di po joke yun.]

may nakita ako, mga 5'10. tumutugtog sa banda. gwapo. mukhang mabango. tinugtog ang lecheng kanta. no one else comes close. (pakyu! pakyu!) ok, sayaw dito, indayog don. hithit yosi. inom SMB. napatingin. tumingin si papa. papunta na sana ako sa stage para karirin siya, but no.

may lalapit na lalaking kasing-gwapo, sabay bebeso.

[tangina. sabi ko na nga ba't front lang ang partyplace at ito'y isang gay bar!]

anyway. napaatras ako. balik sayaw. balik sa mga kabarkada ng pinsan ko. yosi. inom. sayaw. may manghihipo, ok lang. basta't paresbak. well, ganyan ang mundo ng disco. paglabas mo, lamog na katawan mo. buti na lang at ok ang porma ko nun.

sabay ikaw, lalapit, sasayaw, pababaan tayo ng indayog. hahawak ka dito, hihipo doon, ako naman, ok lang. magpapakilala ka. feeling mo ikaw si andrew e. na naging ubod ng hippie. parang cobrang mapanuklaw yung kanang kamay mo, naka-bitin sa ere.

'hi, i'm rrrrrrrrrrrrrrrrrrrobbbbbbbbbbbbbberrrrrrrrrrrrt!'

[ah, eh, bakit nakaangat pa rin kamay mo?]

'hi. i'm [insert nickname here].' [sabay kuha sa kamay mo para makipag-shake hands. naks.]

[pucha, ayan na naman ang kamay mo! patuklaw na naman@]

'hiiiiiiiiiiiii!'

pocha. di ko alam kung epileptik ka o talagang feeling mo mas cool ang dating mo. di ko alam.

sayaw dito, sayaw doon. tumigil ang musika, nagpakasenti si guwapong bakla at ako'y umupo muna. kumonti nga yung sumasayaw e. di ko alam na pati pala mga magsyota na ay nagpupunta pa ng disco. akala ko kasi, mga single lang ang napapadpad sa mga lugar na tulad nito.

next song: my sacrifice ng creed.

nagsalits si bokalistang bakla. 'this song goes out to the manila girl, [insert my fucken nickname here], from robert.'

sabay, bira!

tinginan kami ng mga kasama ko. eyng? ano daw? dapat ba akong kiligin dahil inalayan ako ng kanta ng cute ngunit feeling guwapo na lalaking iyon? labo men. sabay may nakatayo na pala sa likod ko. si robert.

[patay.]

nakipagkwentuhan muna si robert. saan daw ako nag-aaral, sa UP, kako. e ikaw? sa assumption daw, 4th year high school. [oh my pakers, cradle snatcher na talaga ako!] and then, ikaw, my dear robert, nung pagkasabi ni bokalista ng 'my sacrifice', you pop the question na hanggang ngayon ay sanhi ng pagkahika ko dahil sa kakatawa.

'pwede bang manligaw? can you be my girlfriend?'

[ano daw???? mas malala pa sa sinabi ni julius yon a!'

ako naman, di nakasagot dahil nagpapabili ulit ng beer at yosi ang mga kasamahan ko. thank god. tinakasan kita, sabay pagpunta namin sa bar, bili yosi, sabay labas disco. sakay ng jeep, umuwi.

pero tangna talaga, bumenta yung hirit mong yun. di ko alam kung sasabihin kong 'oo' or matatawa dahil:

duh, wala pa tayong 10 hours magkakilala.

pangalawa, e noong tinitingnan na kita na tipong [let's get it on sa dilim pare!] e manhid ka sa mga pahiwatig kong gumawa tayo ng kamunduhan sa malapit na restroom, sa ilalim ng spiral staircase.

oh well. kaya tuwing naririnig ko ang 'my sacrifice', natatawa na lang ako. hay.

what if pinairal ko ang L ko noon? tangna, siguro kung anu-ano nang kabalbalan ang pinasok ko ngayon.

sayang. sayang.

welcome to version7.1 // where is the love? // about the version // writings // linkages
yeba!version7.1____where's the love?
all rights reserved + copyright 2003
layout and design by webdiva: //kate
for comments, suggestions, contributions
contact: thegshift@yahoo.com