
tanga
by kate
Minsan, may minahal ako.
Or siguro, pinapaniwala ko lang ang sarili kong minahal ko nga sha, kahit hindi naman. Siguro pinapaniwala ko lang ang sarili ko na mahal ko siya dahil natakot akong baka hindi ako marunong magmahal. So pinilit ko.
Kahit di naman pwede.
Ang tanga-tanga ko kasi.
So dapat pala baguhin ko yung first line - minsan, naniwala akong may minahal ako.
Ginawa ko lahat para sa kanya. Or siguro, hindi lahat. Kasi siguro kung lahat ginawa ko talaga, as in talaga baka kami na ngayon. Eh walang *kami* ngayon, so baka hindi ko pala ginawa ang lahat
Or baka lahat na pala yun pero hindi pa rin enough. Mas masakit yun pero
Pero kasalanan ko pa rin. Kasi naman, kasi naman
Ang tanga-tanga ko kasi.
Kung bakit ba naman kasi sumagi sa utak ko ang umasa. Eh wala naman. Alam naman kasing pinaglalaruan laro na nga, nilalaro pa. At alam ko na ngang laro, nakipaglaro pa ako. Kung di ba naman gawain ng taong hibang.
Tanga na nga, hibang pa.
Pero nakuntento ako sa laro. Dumating pa nga sa point na yun na lang ang pinanghahawakan ko, ayoko pang bitawan. Ay putangina, tanga nga.
Tanga na, masokista pa.
Minsan, napapaisip na lang ako kung papano ko narating ang wonderful realization na dapat tigilan ko na to.
Na panahon na lumimot. Or at least, let go of the freaking context. And live a decent, uncomplicated life. yun.
Kahit papano pala, may natitira pa akong utak.
Isang taon na rin naman yun katangahan. Kagaguhan. Siguro naman, panahon na para magsawa. Para mahalin ko naman ang sarili ko.
Lintik na puso to, dapat itapon na lang, walang silbi. Walang utak *
Kung may utak kaya ang puso would things be different? siguro. Malamang.
Kung may utak ang puso siguro mas konting tao ang masasaktan.
Pero hindi ganun ang tao. Hindi ako ganun. Puro puso nga ako eh. Kaya pala kaya pala.
Minsan, may sinubukan akong limutin.
Pero hindi ko nagawa.
Ang tanga-tanga ko kasi.
*salamat kay julie for this idea.
yeba!site___version 6
photograph of you
all rights reserved
copyright 2003|rigor butch
thegshift@yahoo.com