
nakakasawa
by julie
Sabi nila
Anumang labis ay nakakasama,
Anumang kulang ay siya ring nakasasama.
Siyang dahilan ng aking pagkasuya
Pagkaumay
Ikaw.
Para bang magpakailanman na
Tayong laging magkasama
Kala ko'y di na ako hihiling ng iba pa
Maliban sa kaalamang ang pag-ibig ko'y
Katumbas ng iyong nadarama.
Para bang lagi na lang tayong naghaharutan
Nagkukulitan
Nag-aaway
Nagtatampuhan
Ngunit sa huli'y aayusin din ang lahat.
Para bang kaytagal ko nang alam
Na siya'y mahal mo pa rin kahit lipas na
Ang mga buwang inilaan para sa inyong dalawa
At kahit na ako'y narito na
Nanaig sa iyong mga mata ang walang hanggang pagsinta
Sa kanya.
At sa aki'y mga taludtod ng pasasalamat, pagkakaibigan
Pagmamakaawa na huwag kong ulitin ang pagkakamali niya
At minsa'y pahapyaw ng iyong pagsinta.
Para bang gabi-gabi'y namumugto ang aking luha
Hindi bago matulog, ngunit
Sa pagsalubong ng madaling araw
Ako'y gagambalain ng mapait na panaginip
At siya'y nakikita
Nangungutya, nagpapaalala.
Na ika'y sa kanya pa rin kahit na pagmamay-ari na siya ng iba.
Para bang lagi ko na lang hiniling sa May Kapal
Na ako'y hayaan na makatagpo ng kaligayahan
Wari ko'y sa iyong piling ko ito madarama
Ngunit lumipas ang dalawang taon
Nalasap ko lamang ay parusa.
Bago ikaw ay pinakawalan ko na ang aking unang pag-ibig
Sa isang malupit na paraan.
Ikaw.
Siyang dahilan ng aking pagkasawa sa buhay na nakagisnan.
Kaya't paumanhin kung ako'y mauna na at di na magpaalam.
Ako'y sawang-sawa na.
yeba!site___version 6
photograph of you
all rights reserved
copyright 2003|rigor butch
thegshift@yahoo.com