
Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002
:: surviving second sem without the block ::
I hated transitions. I hated them because they signaled change, because they often entailed major ones. Because it meant being somewhere new, it meant being with strangers, it meant leaving and getting left behind, or left alone. Yeah, I was hell scared to be alone.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit… sa block, nung una, we were total strangers din naman sa simula, but we eventually got close. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit di ko mashadong naging ka-close yung iba kong classmates nung second sem. Pareho lang naman halos ang setup. Siguro dahil I was so walled in. siguro dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataong maging ako sa harap nila. Siguro dahil… hindi ko sila TYPE! Simple as that. Siguro dahil… iba lang talaga ang block. Iba yung lahat ng subject magkakasama kayo. Iba yung pare-parehong hirap ang pinagdaraanan, pare-parehong lecheng prof na kinaiinisan, pare-pareho ng exams… laging magkakasama, hirap at ginhawa pa nga eh. Cliché cliché! Pero… ganun eh. There’s no other way to put it.
Oh well. I prepared myself for this. Solo flight, or almost. Kasi naman hindi naman grabe ang sitwasyon ko noh – it wasn’t as if na-disconnect talaga ako at nagpaka-loner. Hello? Hindi ako mabubuhay nang ganun… kahit papano, connected pa rin naman kami nina covalent, nambebi, at mga jowa. Lagi naman kaming magkakasama niyang mga yan… with efforts from all sides of course. Sunduan after class, hatiran sa bahay, sa sakayan ng jeep, yosi sa sunken, bangagan over coffee/swiss miss at wave89.1, inuman.. ng gulaman, hanggang lumubog ang araw dahil nga ayaw umuwi nang may araw pa… pero still, nakakamiss talaga yung block as in lahat tayo.
Yung tipong, kapag may humihirit sa class, or kapag humihirit yung prof, maiisip mo bigla, ah ganito sana yung reaction nila o… kapag may dinidiscuss na point yung teacher na obviously eh debatable, pero di mo naman mahiritan di ba kasi nga wala kang backup… maiimagine mo na lang yung mga hirit nina john, ni ice in her perfect, rapid english, ni kat in her booming voice. Nakakaloka minsan, pero mas nakakaloka naman nang di hamak ang mahuli mo ang sarili mong ngumingiti mag-isa just because you remembered something. Ah pakialam ba nila, naisip ko. Kung nakikita or naiisip rin nila yung iniisip ko, mapapangiti rin sila noh.
Dumalang ang mga gimik natin as a block ano? Wala lang, siguro nga ganun na lang talaga kapag hindi pare-pareho ng sched, ang hirap lumabas nang sabay-sabay. Naisip ko rin, magkaka-part2 pa ba ang deviance day? O ang school uniform eklavu? Ay ewan. Para kasing nakaka-insecure na rin pumasok ng CMC nang mukhang gago eh. Hayy. Para bang wala nang excuse to look silly… kasi nga, di na tayo freshie. Sad noh?
Awa naman ng diyos, nag-circulate pa rin ang logbook. Nakakaaliw at very much thought provoking lalo na yung philosophical question ni melay. Yung SW3B, bangag super. Sana tuloy-tuloy hanggang next sem. And the sems after. Sana maraming-maraming logbook ang maubos natin ehehhee.
Siguro nga, yung primary survival method ko is… work. Overwork, actually. Para mapre-occupy ang sarili ko. And I must admit I’ve done a good job, too. Mejo nga napre-occupy ako. Nakalimutan nga nating magplano ng summer getaway eh! Hayyy… buhay. Hirap minsan. Buti na lang di ako mag-isa entirely. Salamat na lang sa mga taong nag-maintain ng sanity ko. Hayy alam nyo na yun…
Ngayon naman… bahagyang naaawa ako sa mga incoming freshie. Para bang pinagbuntunan ng galit ng sangkatauhan. Di ba may NSTP/NSeP sila? At di ba… wala na rin silang block dahil sa RGEP? Hayy. Kawawa naman sila. Yun pa naman ang first family nila dito sa UP. Binasa ko ulit yung mga ‘survival’ manual na binigay sa tin nung first few days chaka nung orientation… ang definition talaga ng ‘block’ eh ‘family’. Nung una mejo skeptic ba raw ako. Pero ngayon alam ko, totoo yun. First family talaga…
Inisip ko, baka nga may reason kung bakit walang block ang mga freshie ngayon. Siguro nga that way magiging mas matatatag silang tao, kasi kaya nilang mag-isa sa harap ng mga delubyo dito sa UP. Siguro nga. Siguro nga mas malalakas sila, siguro hindi sila unnecessarily sentimental. Siguro nga makakatulong sa character building nila yun. Siguro nga – after all, matapos mo bang iregister ang sarili mo online, matapos mong piliin ang sarili mong subjects, matapos mong harapin ang lahat mag-isa – you must be very strong, determined, tough. Kasi alam mong kaya mo, right from the start. Wala kang inaasahang iba kundi sarili mo.
Pero given a choice between all that strength and being in a block – I’d have to say, STILL, nothing beats the feeling of having a ‘family’ in UP. I couldn’t generate as much strength on my own – shempre, I gather my strength from the people around me. And that makes me even stronger – far more stronger than I could ever be.
In the end, it all just makes one
really wonder – destiny nga ata talaga to. After all, nagmuntik-muntikan
na noh? TAYO ang huling batch ng mga freshie na may block. I can only be
too grateful…
|Back|
all rights (and wrongs) reserved
o achu the elder o copyright 2002 o
email: thegshift@yahoo.com