Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002

:: madugo, mahaba, masalimuot, and other M-words  ::
 

Nov.9
11:12pm

REG…

 Natapos rin ang madugong reg. Sobrah. Asan ang end ng pila? Dito? Dito? Dito? Ah shet, nakaikot ka na 720 degrees bago mahanap ang tunay na hulihan ng pila, bwakanashet. To think na nde lang un ang pipilahan mo. Shet. Bureaucra-SHIT. Hirap talaga sa UP – University of Pila – wala pang fixers, tsk, tsk.
 
 So salamat na lang sa CRS at natsambahan mo mga subject mo – pero pano pag nde na? Haay saka ka na mamroblema kapag anjan na, ano ba yan simula pa lang ng sem puro problema na iniisip mo… kaya ka nagkaka-insomnia eh, kung anu-ano iniisip mo…

 Pero biyaya nga ba ng CRS toh – dalawang klase lang na mei kakilala, isang subject na madaling araw ang simula, Lunes na torture mula alas-siyete hanggang ala-una – ah leche, you can’t have everything nga naman…

 Buti nga unique pa apelido mo, at wala pang nangahas na kunin ang form5 mo… kung nagkataong naaksidente ka, eh di more than one day ang pila experience mo… buti na lang talaga…

 So matapos maghintay sa isang adviser na mataray, matapos makayosi na sa paghihintay, matapos sumuong sa ulan, matapos ang gel na nde na tumigas dahil nabasa, matapos pumila sa enlistment room at lumabas nang walang pagbabago sa buhay, matapos pumila (un ay pagkatapos pa makita ang hulihan ng pila) – heto ako ngayon. I’m proud to say, I lived through it. And I lived to tell people about it…

 So ilang sem na nga lang ba? Anim pa… ANIM!! Maryosep…
 

Form 5...

 Sabi nga ng auntie ko sa kin, Eh ano ba ang meron jan sa papel na yan?! Paano, agad kong hinablot ang aking pinakamamahal na Form 5 bago pa niya ito naibulsa.

 Leche! Magugusot kaya! Sabay hablot ng namuntikanang papel. Ito? Malukot na ang lahat, wag lang ito! MAGKAKAMATAYAN TAYO!

 Napakamot tuloy ng ulo yung auntie ko. Ano ba ang meron sa papel na ito!? ANO?!?! Hindi ba niya alam na FORM 5 ko toh!??!

 Nakakainis talaga. Para sa kanila, ang Form 5 ay wala lang – papel kung saan nakasulat ang mga numerong nangahulugang di ako pwedeng mangupit ni isang daan sa six thou na ibinigay nila sa kin for enrollment – pano, kitang-kita ang ebidensyang 5,161.50 lang ang binayaran ko… shet shet shet. Yun lang yun? Form 5 = resibo.

 RESIBO?! LECHE! Dugo, pawis, luha ang dumanak para lang makuha ko yang kapiranggot na papel na yang tinatawag niyong resibo!!!

 Kung alam lang nila ang pinagdaanan ko… kung alam lang nila – pasalamat lang sila at nakakahiyang magdala ng magulang dito sa UP, kung nagkataon, siya mismo – ang auntie ko – ang pipila for my enlistment and enrollment. Dammit! Kaso gurang na raw ako – dapat kaya ko nang mag-isa…

 Hmmp hmmp hmmp! After everything, gusto ko namang ma-rewardan – siguro panibagong load sa cellphone? O kaya pantalon? HINDI BIRO ANG MAG-ENROLL DITO SA UNIBERSIDAD NG PILA! Hayy kung alam lang nila.

 Envelope! Gusto kong makakita ng envelope! Napahiyaw pa tuloy ako. Hinding-hindi ko ibibigay ang Form 5 ko kung di naka-envelope.

 Aba, at ang arte ko raw?!

 Kayo kaya pumila dun – apat na oras sa Mass Comm, isang oras na ligaw, tatlong oras pa sa kahihintay sa isang Comm sched na suntok sa buwan, at kwarenta y singkong minutong nakatayo sa mainit na pila sa loob ng AS – not to mention lahat ng times na kinailangang maglakad sa campus dahil nagsarado ang bwiset na bayad center just when we got there – at gusto mong gusutin ang FORM 5 ko?!? NEVER!!

 Masasanay rin daw ako. Hmp! Bwiset! Sabay abot ng Form 5…

 Walang kasing sakit tingnan ang iyong Form 5, matapos mong pilahan, paglaanan ng isang buong araw, pagdusahan sa pila – tutupiin lang at magugusot pa… arrrrggghhh…

 Kelan kaya magiging convertible to cash ang number of hours na pinila ko sa pag-e-enroll?? Hayy…
 



note: ganito rin kaya ang Reg experience ko ngayong June? hmm...
 


|Back|
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com