
Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002
:: i love Kas1! - remembering mhv2 ::
honestly, I enjoyed kas1. hindi ko pa rin malubos maisip what exactly it is with history subjects that have this certain power to bind people together…
ang mhv2, para sa mga hindi namin kaklase nung second sem, ay isang grupo ng mga unique na tao – mga Kasmates. Well, nung una, yung mga kasmates lang eh yung Chinese society ng mga BAA people (business admi accountancy) na nakaupo sa likod namin. Tapos nakasama na yung mga BA people sa kabilang side. Hanggang naging generalization na sha, to refer to the whole class. Yun naman kasi ang tama.
Anyway, just a few interesting personalities…
Si Gie. One word – bakla. Naaalala ko na naman yung time na nakikipagflirt sha kay Jobert. HAHAHAHHA… atrebida, mapapel, maingay. Oh well, bading eh. No offense kay Yen ha. Pero in fairness, ok sha ha, lalo na nung humingi ako ng favor na I-lead nya yung klase papunta dun sa puwesto natin sa lagoon for the performance.
Ang Chinese Society of BAA people. Basically, sina Candice, Jem at Anna yun. Si Candice, taekwondo classmate din namin yun nina Ice. Sha yung pinakamabait, in our opinion. Kwela, kalog, konyo. Imagine, may service talaga yun lagi – CRV from AS to Gym? Nung isang beses nga eh achievement na para sa kanya ang mag-jeep mula AS papuntang Gym. Nagtatanong pa kung anong direksyon ng jeep na sasakyan niya pabalik. Cute. Anyway, si Jem – di ko nga alam kung ganito talaga spelling nun eh. Tama ba, Cy? =) Sha yung mahilig mag-recite… Sha rin pala yung may cute na polo na girl version nung polo ni Kim, na trip ni Almi. Yung polo I mean. (Ok si Kim na rin.) Si Anna naman… ex-crush ni Almi hehehe. Pero ayaw na niya ngayon dun, maarte raw. Oh well, kaya nga ‘ex’ ang tawag eh.
BA people sa kabilang side. Yun sina Lady, Bethany, Anne at si Ms. Tan. Nakalimutan ko first name niya eh, sorry. Pero natatandaan ko yung mga hitsura nila, promise. Si Anne magaling sumayaw – as in. Sila nga pala yung nagperform ng a-la Merry Wives eklavu nung cultural presentation. Tingnan niyo nga naman – they managed! Oh di ba, true to their words nung first day…
Ah eto na – All-star cast. Yun ang tawag ko naman sa block natin sa Kas1. ang lokohan pa nga nun, 2 from each group – si cy at melay from group 1, si almi at ice from group 2, si julie at cleng from group 4, at kaming dalawa ni jobert from group 5. ang cute isipin. Pero, true to the name, all-star cast nga.
Ang sarap pala ng may kaklaseng blockmates. Group effort sa lahat ng bagay. Yung hayup na exam – identify the meaning nakanampucha. Kung hindi dahil sa mga reviewer na ginawa natin to help each other out – hinati-hati yung mga libro, divide and conquer, ika nga – ewan ko na lang kung ano ang nangyari sa akin sa mga exam na yun.
At shempre, makakalimutan ko ba yung mga presentation natin? (Naalala ko na naman si almi – ‘Cause for panic?!’ hehehehe… cge na nga!) Hehehe… nakakaaliw yung mga practices natin. Wahahha.. actually, napapangiti pa rin ako tuwing naaalala ko – shit, napag-cross dress namin si Jobert! At napangalanan pa namin nang malandi – Maharlika! Say niyo?! Kahit ako la rin ako ma-say eh heheheh.. naalala ko talaga yung time na kino-choreograph yung macho dance sequence ni Cy, yun majorette sequence ni Cy, yung fight sequence ni Julie at ni Cy… tapos nung performance na, biglang nagkasakit si Cy! Parang nakarma ata ako ah – dahil lahat ng kagaguhan na pinagchochoreograph namin, ako yung gumawa! Hahaha… nakakahiya! Di ko alam kung saan ako bumunot ng kapal ng mukha for that! Heheheh… (sabihin na naman ni Julie, natural na sa kin yun. Ok fine..) as usual, wagi na naman yung babaylan sequence ni melay (talagang pinangatawanan ang pagiging ‘Apo’ eh noh?) at shempre, yung acting debut ni Jobert as pocahontas, este, Maharlika nga pala. Yihaa! Best actress! Este, Actor! Or… actress? Ewan. Heheheh. (Para ngang gumuho ang mundo ni Gie nun eh. Hehehe… mas seksi pa raw sa kanya si Jobert! Wahahah…) niwei, yung character ni almi nga pala eh yung tatay ng character ni jobert… at si ice eh walang kamatayang bow-wow girl. Da original! =) Si Cy, Jobert at Julie eh love triangle. At ang direktor, shempre, ang walang kupas na mamoo! Yiheee…
Anyway, hindi pa pala dun nagtatapos un.. dahil di lang isang performance ang ginawa namin kundi dalawa! Oh yes! DA-LA-WA! At yung pangalawa eh inspired by the black lights performance ng group 2! (taos-pusong pasasalamat kay Hannah for the black lights and Dadu for the ballasts and sound system and sound fx…) wala lang… Nakakamiss talaga ang block kasi di ba noon, after nung performance eh disco… sigh. Memories… anyway, let me just say na yung masaya about the second performance is that… parang, 2 araw/gabi lang namin sha prinactice! (taos-pusong pasasalamat kay mamoo at kay tita lea for the accomodation…) bale, march5 at 6. tapos march7 ng hapon performance na. Oh di ba bongga. Overnight! Sarap! =) At kahit na mejo nagkatampuhan ng konti, nagkaayos rin naman eventually. Eh ganyan talaga, ika nga ng mamoo, healthy para sa isang relationship yan, ang di pagkakasundo. After all, matagal-tagal pa rin naman ang pagsasamahan natin no, at sa mga ganyang pagsubok lang naman lalo pang tumatatag ang mga relasyon. =)
And eventually, nag-pay-off rin naman lahat ng efforts pagdating ng class cards… yihaa! Mabait talaga yun si ma’am bailon… *wink!*
Pero sabi nga nila, parang icing na lang raw yung grade eh. Yung mahalaga, experiences mo sa class na yun. Oh well, kung experiences lang rin ang batayan… well, marami kami niyan! =) sa sobrang dami, 12:29am na, di ko pa rin nasusulat lahat…
|Back|
all rights (and wrongs) reserved
o achu the elder o copyright 2002 o
email: thegshift@yahoo.com