Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002

:: journ 100 horrors ::

 windang talaga ang journ 100. right from the start, nung una ko pa lang masilayan ang pagmumukha ni ma’am psyche, pati na rin yung syllabus niya with matching notes, natauhan ako bigla – tangina, naisip ko. Ito na yun. Seryoso na to.

 Nung una I was actually thinking na maybe… just maybe, kung anuman ang kahinatnan ko dito sa subject na to, yun na rin ang sort of preview ko sa course natin. Kung ok, eh di go na go na sa journ. Kung hindi naman, eh di go na go OUT na ako sa journ, shift na sa broad comm hehehe.

 Ano? Pa-shift na ba ako or pa-stay?

 Looking back, journ100 was… STRESS! As in! hehehe… sobrang nakaka-stress, nakaka-tense, nakaka-PRANING. Or baka sa kin lang yun, since journ100 din naman ang naglabas sa aking tunay na kulay – paranoid, segurista, O.C. at, oo, enterprising. Nerdo to the 100th power. Oo na, inaamin ko na! Kasi wa epek ang pagpapalusot, ok fine! Ehhehhe…

 Simulan natin sa schedule pa lang ha. Mondays, 8:30 to 11:30. Oras na oras pa lang eh… UTANG na LOOB! Tatlong oras diretso! Windang. Not to mention na may class pa after at 11:30… wah nakakagutom… pero sanayan lang rin eh. Ang masaya lang dito ang free time kapag Thursdays… na hindi rin naman free dahil sa Kas 1 ehhehe… pero kahit papano, masaya pa rin naman. (washu!)

 Tapos, yung Group Report. Tinawag pang group report eh dadalawa lang rin kayo! Kala ko pa naman, 4 in a group or what, sabay 2 lang! DA-LA-WA! Naaalala ko pa nun ako pinagawa ni ma’am psyche nung papers sa draw lots… ah eh, wag na nga lang, nahihiya na ako just remembering… well, kaming dalawa ng mamoo, we did fine, kasi magaling naman shang researcher (naks! apir!)… yung Oral Presentation naman namin eh… natural na natural… hahaha baklang bakla. Pero shempre, habang padami nang padami yung nagpepresent, pabongga nang pabongga. Di ko talaga makalimutan yung video nina wenz at mhel eh! As in! yung may footage pa ni Atom (I have to say – ang HUSAY!) at yung mini-porno flick sa Casaa (Grabe! Pang-FAMAS!) with the matching usok effects. Galing talaga!

 Tapos, yung Individual Paper. Ah heto winindang ako ng todo! Heheheh… as in, kung saan-saan nakarating, kakainterview ng mga reporters na, in fairness, eh mababait naman. Aliw na aliw sila eh, feeling celebrities ang mga walah. Not to mention yung mga sekyu ha (hi Julie!) na, well.. may certain fondness sa UP ID’s. hehhehe. Grabe talaga yung feeling nung na-cancel yung isang individual sa section natin – kasi di ba dalawa dapat – parang… gusto kong mag-faint sa tuwa hehehe.

 Tapos, yung Class Paper, historiography eklavu. Ah, diyan ako natuto magpunta ng Securities and Exchange Commission. Heheheh, oo na Julie, Cubao Ilalim, direction ng QC Circle, tatandaan ko na talaga…  Naaalala ko nun, pagdating namin dun sa SEC, nung hinanap namin yung Financial Statement ng Pinoy Times under their paper’s name, ‘The Pinoy Times’ aba wala bang lumabas!!! So medyo lang naman, slight lang ha, kinabahan kami kasi wala kaming secondary research! Buti na lang at naisipan naming hanapin under the publisher’s name, ‘Sulong Pinoy Times’ awa ng Diyos may lumabas naman! Pero kasi, we had to go back to step one nung hinanap namin sha ulit. So sayang pala yung pinila namin nung unang time heheheh… pero ok lang rin, by 2 pm tapos na kami, di nga lang kami nakasama kina ice at almi manood ng got2believe (aww, si Rico Yan!) sa Galleria…pero nakapagwindow-shopping rin naman kami nun… at kahit ang mamoo suko sa grabeng abilidad ng combined almi-ice forces pagdating sa shopping! As in!

 Anyway, hindi ko fully maikukuwento yung pinagdaanan nating lahat – siguro nga yung iba mas malala pa ang pinagdaanan kaysa pinagdaanan ko. Si Tet, for one, ay nakakawindang na TATLONG FOLDER ang sinubmit as an Individual Paper! At, not to mention yung last minute cramming niya about dun sa Financial Statement ng newspaper na naka-assign sa kabilang section. Kung ako ang nalagay dun sa sitwasyong yun, under shock therapy na ako ngayon. Ang inseparable group naman nina wenz, mhel, limee at jeng, magkakasama lagi sa hirap at ginhawa, may dala-dala pang mapa! Kung saan-saan nakakarating! Kung tutuusin, mas maraming kwento yang mga yan dahil hindi biro ang adventures nila! [*hint*hint* email naman ng kwento jan o!] =)

 As of the moment, di ko pa nakukuha yung j100 classcard ko. Hindi ba’t yun ang parang senyales kung ipagpapatuloy ko pa ang pagiging journ major ko?

 Thinking about it, hindi lang naman grades ang mahalaga. (naks! bob ong!) Hindi nga. Kasi marami naman akong natutunan eh – I mean, not about the history of philippine press, though I did learn a few things about history repeating itself and putting things, issues, people in context, etc. pero most ng natutunan ko, nakuha ko sa labas. Habang ginagawa mga ka-eklavuhan sa buhay. Makisalamuha sa tao, rumespeto sa nakatatanda at nakatataas, tumulong sa kapwa, magtrabaho, magtrabaho, magtrabaho. Yun. Kaya kahit below 2 ang makuha ko diyan, doesn’t matter anymore. Right?

 Well, kung journ100 rin lang ang pagbabasehan, at kung lahat ng major subjects eh parang j100 or mas malala pa, I think na ikamamatay ko yung course ko. Pero – PERO – pero… hindi na ako magshi-shift. After all, tamad akong magprocess ng papers eh hehe. And besides… ikamamatay ko kamo? Di bale, suicidal din naman ako eh. Hehe.

 Dee, seriously. Hindi na nga talaga ako magshi-shift. Kahit na feeling ko ikamamatay ko ang journ. Journ100 pa nga lang, ganun na ako ka-ngarag, what more pa yung ibang majors right, chaka yung mga electives pa eklat… pero naisip ko rin – Love your own! Ano ba?! Shempre, I’m also hoping na hindi rin kayo magshi-shift or what… pero mukha ngang marami na rin ang aalis ng mass comm sa tin eh. (mga DMS – desididong mag-shift. Waah. Kakamiss.) oh well. Dun sila masaya eh.

 Ako – dito ako masaya. Masochista ako eh.
 



 
 

|Back|
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com