Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002

:: why i never really looked back at high school ::
 

April 16
5:33pm

Galing ako ng Bene. Just to visit. Oh well… in fairness, natuwa naman ako at nagkita kami ulit ng mga tao dun, etc… pero sad to say, wala nang feeling of nostalgia. Sad talaga isipin na matapos mong pumasok sa kolehiyo wala ka nang babalikan sa high school. Mga kaibigan, mga alaala. Wala. Nothing fond to remember. Parang ikamamatay mo kapag nawala ang pinanghahawakan mo ngayon… which is true. Kapag nawala 'to sa kin, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mababaliw ata ako.

Hayyy… ewan ko ba, masaya naman ako nung high school. Marami naman kaming gimik. Kung saan saan ako nakarating, kung anu-ano pinagdaanan ko. Umiyak ako, tumawa ako… yes, eventful ang high school ko, just thinking about it. looking back, ang dami kong ginawa, naghirap ako, nagpuyat ako, umiyak ako hanggang sa madehydrate ako, nainlove ako, nagmahal ako in a different context, na-feel ko kung papano yung feeling na ipagsiksikan yung sarili mo… maraming nangyari nung high school… pero bakit nung bumalik ako kanina sa bene eh parang wala man lang lukso ng dugo, so to speak? It was so damn empty, it made me sad. Parang nagbago ang lahat. Di ko naibalik ang panahon, ika nga ni bob ong. That was sad enough. Pero know what was sadder? What's sadder is the fact na… hindi ko na rin gusto pang ibalik ang nakaraan. Di ko naibalik ang panahon -- malungkot. Pero ayoko na ring ibalik eh -- mas malungkot, most definitely.

Why am I left with no fond memories of high school?

Feel ko tuloy, parang nabura lang bigla ang apat na taon ng buhay ko. Siguro naging mashado akong academic. Mashadong aral. Libro, math, assignment. Mga thesis sa madaling araw. Overachiever. Lintek na achievement yan. Putangina nilang lahat… bakit ba ito ang pinagduldulan sa king mahalaga? Bakit ko pinili ang acads over sa mga kaibigan kong na-take ko for granted? Bakit ba napakaself-centered ko nun, bakit ba mali yung priorities ko nun? Bakit ba mali-mali ang desisyon ko nung high school…

Siguro nga,  pag nahanap ko na ang sagot sa mga tanong na to… malalaman ko na rin kung bakit hindi ko namimiss ang high school. Kung bakit di ko na nais  lumingon…

Corregidor, retreats, mga outing at iyakan at spin the bottle, truth or dare, suck and blow sa gilid ng pool, inuman hanggang madaling araw, high school dance at yugyugan hanggang hatinggabi o hanggang mahati ng ga-taas na sandals ang mga paa, mga practice ng play tuwing weekends, billiards, bowling, sine pagkatapos ng exam, McDo sa Alabang Town Center – putris bakit wala akong naaalala.. may amnesia ba ako?

Mga kaibigang iniwan sa ere, mga best friend na tinalikuran, apat na buwan ng paghingi ng tawad… I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry… ng pag-ako ng isang kasalanang hindi naman akin… malulungkot na matang puno ng hinagpis… putangina bakit ba tinalikuran ko sha? Kaligayahan. Putris yan, mali ang definition ko ng happiness… mali… falling short of expectations, mga sermon… oo na alam ko na yan, alam ko I’m not good enough for you and your damn expectations, ipagduldulan lang sa akin noh… sige. Iiyak mo, sabi niya. Iiyak ko raw. Iniyak ko naman… ang tanga tanga ng puso, matapos masaktan, sumusunod pa rin…

Parang kasama ng mga luha, at ng tabo-tabong tubig na ibinuhos sa sarili para makalimot… wham. Four years.

Yun. As for that, naaalala ko yan about high school. Yang mga sugat na yan, hindi pa gaanong gumagaling. Akala ba niya sa kanya lang masakit? Hindi lahat ng nang-iiwan, hindi sugatan… Akala ba nila hindi ko sinubukan? Tangina, kung alam lang nila.

Hayy. Eto na naman ako. Always,  just the pain. Never the happy ones. Just the rejection. Just the tears, just the moments of immense sadness that nobody ever understood. Not in high school. Just the frustrations, the anger, the hatred of something, somebody I used to love… just the impossibility of permanent relationships, the leaving and getting left behind. All the wounds left open. Wounds. Blood. Hurting. Pain. High school.

No, high school wasn't bad. It's been good, I learned a lot. Of course. Pain is the greatest teacher I ever knew. Even greater than experience itself.

Bakit pa ako lilingon, kung yun rin lang ang babalikan ko? Masaya na ako dito. Kung yun rin lang, wag na lang…



note: oh well. they all say it's just a phase.

|Back|
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com