Yeba!Remembers... Second Sem AY 2001-2002

:: make love, not war - UP Fair 2002 ::

takang-taka pa raw ba ako kung bakit biglang naging ganun ang hitsura ng Sunken nung Monday na yun. As in… clueless. Hehe. Nung maliwanagan ako, napagtanto ko – ahh, ito pala ang sinasabi nilang UP Fair…

pagpasok ng pebrero, naisip ko kaagad – lintek, Valentines Day na naman. Binilang ko pa sa kamay ko – aba, pang-labingwalo na to ah! Hindi lang pala seventeen years ang loveless streak ko eh. Technically. Anyhoo… thus, the rhetoric question – bakit pa ba nilagyan ng Pebrero ang kalendaryo?

ngayon alam ko na. Para sa UP Fair ang Pebrero na yan. Kakaiba pala mag-celebrate ng okasyon dito. Kahit Valentines, sumasaya kahit papano. Honestly, dito lang ako nakakita ng Valentine ‘season’ eh.. as in parang isang buong linggo sha. Pano gabi-gabi, may happening! ako naman si freshie, icp-icp ko - aba bongga!

Actually, dalawang gabi lang ako sa Sunken eh. Nung 12th (Tuesday) at nung 14th (Thursday). Nung 12 pa nga di ako pumasok eh. As in dun lang sa gilid… pareho lang rin eh, minus the booths of course.

Nung 12...

Ang date ko nung gabing yun ay sina… Ice at Almi. Haha. Saya. Threesome, weh! Nalaman kong deadly pala makipagbangagan sa dalawang to, lalo na’t gabi at mejo malamig pa, at you know, Valentine season. Nakakatakot si Ice – inangkin ba ako tuwing gabi. Hahahahaa.

Ang yosi ko nung gabing yun ay… Davidoff. Kasi naubos na yung West Ice. Hindi raw allergic si Almi dun, sabi niya, friends daw sila. Hahahah. Nakauwi ako nun around past eleven na eh. Maaga pa yun. At least, maaga kaysa umaga noh. Nga pala, na-break yung abstinence streak ni Ice. Share ko lang. Anyway, ang Fair 2002 ay isa sa mga di ko malilimutang yosi experiences of all time. Hehehe.

Di ko makakalimutan ang gabing yun dahil… napapayag ako nina Almi at Ice na taningan ang sarili kong LOVE LIFE! Ang tanga-tanga ko talaga. At ang aga pa ha – second year, second sem! Ano ba yun! Dito rin unang nahulugan ng ipil si Almi! Hahaha, sakit nun, dama ko.

Nung 14 naman…

Ang date ko nung gabing yun ay sina… (in order of disappearance) Julie, Melay, Ice at Almi. Kita rin namin si Twenz with her best friend. Actually mas nauna atang naglaho si Melay – sumama sa high school friends. Si Julie naman, uminom lang ata ng BlowJob tapos umuwi na eh. Ibang klase talaga. Si Ice naman, maaga umuwi – 9:30 ba? Si Almi, ayaw umuwi hangga’t wala ang Parokya ni Edgar. At oo – nabuhay kami ni Almi ng kaming 2 lang! Yehey!

Ang yosi ko nung gabing yun ay… Marlboro Menthol. Sa roommate ko pa yun ha. Imagine, naubos yung Davidoff?! Grabe. Mas masaya pa rin yung yosi experience nung 12. Natakot na ako at parang sinusunog ko na talaga ang baga ko sa dami ng nayosi ko in two days.

Di ko makakalimutan ang gabing yun dahil… yun ang unang Valentines Night sa buong talambuhay ko na may nangyaring makabuluhan sa kin! Hehehehe…  ayos rin naman ang lineup ng bands… Barbie’s Cradle, Moonstar 88, Parokya, Imago (I liked Imago…)… at masaya yung crowd of course. Andaming tao… duh malamang? Pero hindi nga… nakaka-overwhelm. Muntik pa nga atang magka-frat war eh. Hayy. At nga pala, narinig ko yung kantang dedicated kay Caces heheheh… asteeeg! (ice, peace!)

I must admit na ang sarap alalahanin yung UP Fair 2002. basically, it’s the people eh. Parang ang saya ng UP. Parang naju-justify bigla, why it is better to be a UP student over anything else… hehehe. Pagkauwi ko 15 ng madaling araw, nasabi ko na lang… hayyy sarap pala dito eh! =)
 



 


|Back|
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com