2nd Childhood - Pasko sa Mata ng mga (Feeling) Bata...

December 18, 2001

    Sa kanila, nalilimot ko ang sarili ko.

    Nalilimot ko ang problema, nalilimot ko kahit ang tunay kong edad. With them, time freezes, and we are trapped in our world of 2nd-childhood wonders.

    Sana araw-araw, Christmas Party. Surprisingly, kahit konti lang ang nakapunta, ang saya ng Christmas Party na yun... ewan ko ba. Di ko rin malubos-maisip ang sikreto ng party na yun.... palibhasa, pinalaking konyo, ngayon lang rin ako nakaranas ng isang party na tulad nito - simple lang. Parang mga bata ba...

    Nakakamiss talagang maging bata. Yung tipong cheese sticks at (choco butternut) munchkins lang, konting softdrinks, konting spaghetti... buhay na. Patinterong with matching padipa-dipa across the lines, Pepsi-7up na iisa lang ang taya (di maintindihan kung sadyang tamad, o likas na balagoong...) at, not to mention, ang takbuhan sa ilalim ng init ng araw sa hapon habang nakayapak... ang saya. Reminds me very much of the old batang kalye days na alam kong pinagdaanan rin naming lahat...

    Even Trip to Jerusalem had new meaning... sa totoo lang, nun lang ako nag-enjoy maglaro ng Trip to Jerusalem... funny, kasi kung iisipin, wala namang prize. Parang... bigla na lang nag-appeal sa akin ung idea ng pakikipag-agawan ng chairs.... ganun-ganun na lang. that time... it was just for... the heck of it all.

    And have i mentioned, nga pala, na mejo masakit pa ng konti ang mga braso ko dahil sa Dr. Quack Quack na yun? Hayy... come to think of it, nun lang uli ako nakalaro nun.

    Pero shempre... wagi ung patintero... hirap nga lang talaga maglaro ang matatanda, kahit anong pilit mag-isip bata, andun pa rin ang kagulangan... may strategy-strategy pang nalalaman... buti pa ang bata, sugod lang ng sugod, alang pakialam sa patotot, o kung may matatrap... basta mabilis ang laro... PERO... nang maglaro ang mga gurang na magugulang, forever na naka-freeze sa iisang posisyon... kaya nga yung pinaka-exciting na part ng patintero game na yun... eh ang pagsigaw ng "CAR!" kapag mai paparating na kotse... uyy, bahagyang nakakamiss yun ah... kelan ba ako last nangharang ng kotse sa kalye dahil sa patinterong yan? =)

    Pero... mas masarap sana mag-isip bata kung mas marami kang kasabwat... =( kahit na masaya ang laro, di pa rin mashadong masaya kasi... marami ngang kulang...

    Ngayon, i'm fixing my stuff - going home for Christmas, ika nga. matagal-tagal na namang di ko makikita ang mga toh... hayyy. to state an understatement - kakamiss na naman.

    Sa bahay... i have to be an adult. lalo na pa't pa-disisiyete na rin ako. dun, di na ako makakalusot if ever mang i-try kong magbalik sa pagkabata... after all, i've been young once. and that's more than enough, in their opinion.

    Sa bahay... i'm forced to face whatever i left behind.. the problems, the issues. I'm forced to remember every single pain i chose to forget temporarily... i have to remember my age. i have to remember who i was before i chose to lose myself into yeba again.

    So much for Christmas.

    Can't wait till the next time we get together like this again.

    Most probably, by then, i can lose myself in them - again.

    I may have to wait, and i guess i have no other choice.

    Maghihintay ako hanggang magkita kami ulit.

    Hanggang pwede ko nang limutin ang sarili ko sa kanila - ulit...
 



|BACK|