The Elder's Diary

    Come to think of it, it wasn't a diary... but i didn't bring it home for nothing, either. i've been planning to type these... uh, craziness... for centuries... so here goes. note the dates... nothing recent really. gusto ko lang magdagdag dito hehehe walang magawa.. as usual. trip nyo ba magbasa? =) bahala na kayo mawindang, ok? ~kate
 
 


***

Sept. 15, 2001

    20 days before October 9...

    (alam mo kasi, tama sila. matagal pa naman ang Oct.9 eh... tapos sa 18 di ba, mei test pa kayo... magkikita pa kayo next sem...)

    andun na tayo sa ... 'magkikita pa kami next sem...' ANDUN NA TAYO EH...

    ang kaso... IBA KASI YUN EH! IBA YUNG *GANITO* sa *MAGKIKITA LANG*...

    (puso mo, wag kang sumigaw... abuso ka naman sa CAPSLOCK eh...)

    GANUN EH...

    (eh ano pa bang magagawa mo... you know this is bound to happen anyway, right?! Alam mo naman na wala ka nang magagawa dahil mangyayari't mangyayari ang mga dapat mangyari...)

    SO GANUN NA LANG YUN?! AFTER SPENDING A SEM, GANUN-GANUN NA LANG ANG LAHAT?! TANGGAPIN NA LANG BA THAT MEMORIES WILL ONLY BE MEMORIES, THAT LIFE MUST GO ON, NO MATTER WHO YOU'RE WITH, AT PATULOY PANG PANINDIGAN ANG BULLSHIT NA PRINSIPYONG 'born whole not half'?! GANUN BA?!

    (it's logical... wouldn't it be at least healthier if you would look at things that way? yung alaala -- alaala na LANG. ano ba, you've done enough hurting over memories, dammit. life SHOULD go on... eh ano naman ang gusto mong mangyari jan sa buhay mo... mabulok sa Journ at di magshift dahil sa LECHENG attachment issue na yan?! come on, you're better than that. people... are JUST PEOPLE...)

    THEY'RE NOT JUST PEOPLE, DAMMIT. HAD THEY BEEN THINGS, IT WOULD HAVE BEEN EASIER TO LET GO OF THEM... BUT THEY'RE PEOPLE, NOT THINGS... AND PEOPLE, WHEN THEY GET OUT OF YOUR LIFE, THEY DON'T JUST STAY AS MEMORIES, YOU KNOW... BECAUSE WHEN THEY DO, THEY'RE JUST THAT -- MEMORIES, AND NOTHING SPECIAL. AND I DON'T THINK THAT WAY... BECAUSE I DON'T LET PEOPLE GO...

    (likas kang masochista. akala ko ba tigasin ka... sus, yan lang, dadrama-dramahan mo... uluuuul... mapaalala ko lang sa yo, malayo pa ang landas na tatahakin mo... di ka pa graduating sa lagay na yan... pano ka na kaya by then...)

    SHIT WAG MO NANG ITANONG...

*

 

Sept. 14, 2001


4:00pm, sa harap ng FC

Haynaku, bentahan niyo man kami ng bente pesos na tiket, nde kami manonood ng TRAFFIC...



4:13pm, sa makasaysayang fountain sa gitna ng FC at UP Theatre

Ang sinusitis ay lumalala. shet. bagsak na naman ako sa bowling. Fucking windang. Tangina talaga. Feel ko never na kong papasa.

Napansin ko nauubos na yung filler ko for SocSci. (...)

Senyales na patapos na ang sem... =(

Hayy nasa-sad na naman me...



9:08pm Lecheng Shinto, lecheng Confucianism, lecheng sinusitis, lecheng everything... (lecheng goodbyes...)

Matapos ang nakawiwindang na Shintoismo... [*talk to my lady on the telephone, long distance...* ano bang kanta toh? *never never slip away...*] heto na naman ako.

May hint na ako na likas sa akin ang pagka-masochista. I just love PAIN.

*

Pain is Inevitable - Suffering is Optional...

    Sabi nga ng floormate ng kapatid ko, "Pain is inevitable. Suffering is optional." Leche. Some thirteen year old... (ilag, baka matamaan ka...)

    Oo nga naman, Pain is inevitable... pero nasa sa'yo na lang kung gusto mong mag-suffer, di ba?

    Tangina. Kasalanan ko rin pala kung bakit ako naghihirap. Nasasaktan.

    (Lintek talagang attachment-detachment process, ano? shet.)

    Pero I'm starting to feel better about this... (...) I hope I'm not only fooling myself into believing that something better is yet to come... just to make myself feel good. (the better term for it is, 'feel less pathetic'.)

    (Haayyy... yan na naman... umaasa na naman... *21 days left before Oct.9...* naranasan mo na ba ang sakit ng pag-asa sa isang bagay na nde naman pala matutuloy?! *lecheng istasyon! sunud-sunod na naman! nababangag na akow...* binibilang mo pa ba kung ilang beses ka nang na-dali ng pag-a-pag-asa na yan?!)

    (Bwisit-leche! Nde ka talaga natuto! Ewan ko nga ba kung pano ka nakapasok sa UP nang tatanga-tanga nang *GANYAN*! Naiirita ako sayo! Pinahihirapan mo na naman sarili mo! Attach-attach kasi, di naman maka-cope with detachment! Lintek! Linteeeekkk...!)

    Eh mapigilan ko lang sana sarili ko... sana... sana.. if i could have stopped myself... i would have. anything but this... this pain.

    (Suffering is optional. Optional raw, pare. Ibig sabihin nun... pwede naman sanang nde na lang...)

    (Pero come to think of it... maybe life without them is the life you're destined to live...) (...)

    ... mas maaga nang makakauwi dahil wala nang ibang gawain sa hapon... wala nang practices ng plays... wala nang patambay-tambay sa harap ng Film Center... wala nang panonood ng sine... wala nang bowling after Nat Sci exams... wala na ring patambay-tambay (at pagulong-gulong) sa Sunken... at higit sa lahat - wala nang Isaw Afternoons... mukha ngang mapapaaga ako ng uwi. makakapaglaba na ako nang matiwasay. makakapag-aral nang maayos. finally... mailalagay ko na sa ayos ang buhay ko.

    ... mas kokonti ang expenses. bawas na ang isaw bills ko eh. (...) not to mention ang posibleng pagdalang ng aking pagdayo sa Philcoa at Katipunan. Tipid na rin ako sa McDo merchandise.

    ... more time for myself. don't have to be in class early to catch up with the latest chika. most probably, i won't care rin naman kung sino ang mga kaklase ko next sem. kung hindi sila - period. at yun na yun. 8 hours of sleep - don't have to wake up early for pre-class yeba kulitan, don't have to sleep late at night writing this fucking diary. won't have to stay up late, thinking about the possibilities, thinking of parting ways, thinking of damn goodbyes. 8 hours of sleep.

    ... after yeba - healthier, wealthier, normal. di na ko kelangang mag-alala at may kapareho ako ng suot na damit, or magpanggap na aplikante ng isang org dahil naka-school uniform ako. i won't have to follow a motif, or consider some 30+ people before choosing my outfit for the day.

    ... after yeba, i can be NORMAL.

    FUCKING WHATEVER.

    if leaving yeba is the only way to normalcy... i'd rather not be normal at all.

*



Oct. 2, 2001

No Regrets

    Sana nde na lang ako napasok sa K-1.

    Una sa lahat kasi, nde naman talaga kasama sa outline ng buhay ko ang pagpasok sa UP. Aksidente sha, ok? Kung nde lang dahil sa ilang major, last minute shifts on decisions, eh sana nasa Ateneo na ako ngayon. Ibang course - AB Literature, English. Ibang block. Ibang blockmates. IBA LAHAT.

    Aksidente lang ang lahat. AKSIDENTE WITH A CAPITAL "a".

    Yun nga lang, accidents do happen. (...)

    In short, na-WINDANG ako. too bad, di ko pa alam yung word na yun noon.

    Anyway, as i was saying...

    Sana nde na lang ako napasok sa K-1...

    Eh di sana... di ako addict sa isaw. Sana nde ko na natutunan pang kumain sa mga isawan after class. San rin nde ko na-discover and Lutong KapitBahay at Beach House. Sana rin nde ko na-rediscover ko ang pagmamahal ko sa leche flan at siopao, at sa munchkins at siomai. (...)

    Sana nde na lang ako napasok sa K-1...

    Eh di sana nakapag-aral ako nang mas matino. Mas marami sana akong panahon sa mga bagay na dapat ay mas mahalaga. Mas marami sana akong oras maglaba, maglinis ng kuwarto, matulog... kasi maaga akong uuwi. Kung di lang ako nahumaling sa K-1... maaga sana akong umuuwi araw-araw ng first sem. Pano... wala nang Isaw Us, Gulong Us, Tambay/Practice Us Carillon, Fat Session Us Alumni Center... wala. wala! At isa pa... eh di better grammar ko, now na! shet! tingnan mo yan. At isa pa pala... di sana ako ganito ka-konyo at ganito ka-profane. Dahil sa K-1, i now have all the guts i need to stick my middle finger straight up without any further hesitation. Hiya? Naku, kung di lang ako napasok sa K-1, malamang meron pa ako nun.

    Sana talaga nde na lang ako napasok sa K-1...

    Bukod sa mga shet, bwakanashet, fuck at tangina na nakakalat sa writings ko, maryosep, kadami pa ng bisyo na nakuha ko dito. Sana nde ako natutong magyosi, sana nde ako natutong uminom ng gin, sana nde ako nalasing for the first time in history. kung nde ako napasok ng K-1, malamang nakapanood ako ng The Corrs, shet. Marami sanang nangyari at di nangyari... kung di lang ako napasok ng K-1.

    Sana nga nde ako napasok sa K-1!

    Tingnan mo - sa harap ng isang all-important math exam, andito ako, nagsesenti. Feel ko tuloy, kung di ako sana napasok sa K-1, I wouldn't be as depressed as I am now. Wouldn't be as sad, perhaps. Di ko alam! Basta, sad ako! Shet! At kasalanan ng K-1 toh...

    Kung nde ako napasok ng K-1, di ko sana nameet ang Yeba!Tribe... (...)

    Kung di ako napasok sa K-1, sana nag-aaral me ngayon ng Math... kung ano ang mahalaga at importante... Mahalaga at Importante...

    Pero napasok ako sa K-1. Naadik ako sa isaw. Nagyosi ako, uminom ako ng gin, at nalasing ako. Buong araw akong na-detain sa bus nung field trip dahil dun. Di nga ako nakapanood ng concert ng The Corrs. Nadiscover ko ang dinuguan ng LKB, ang BBQ ng Beach House, at ang murang net ng DLRC. Na-rediscover ko ang leche flan at munchkins, ang siopao at siomai. Gumulong ako sa Sunken at naging bahagi ng Fat Sessions, nagbonding sa Carillon at binangag ang Alumni Center. Higit sa lahat - naging bahagi ng buhay ko ang Yeba. Ang K-1.

    Mahalaga at Importante... ito na ang mahalaga at importante sa akin matapos ang kulang-kulang apat na buwan. ITO.

    ... 2 words - No Regrets.
 
 


***


 






    Tangina, tatanggalin ko na yang kalendaryong yan. Bwiset. Babagsak ata ako sa Math... pero sabi nga, NO REGRETS!
 


|BACK|